📷Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III
HIHILINGIN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III kay Senate President Francis “Chiz” Escudero na magpatawag ng ‘all senators caucus’ upang kanilang matalakay ang articles of impeachment na isinampa sa Senado laban kay Vice President Sarah ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Pimentel, sasabihin niya ito kay Escudero sa ipadadala niyang liham upang mabigyan na ng kapangyarihan ng mga senador si Escudero na simulant ng magpadala ng mga summon kay Duterte.
Naniniwala si Pimentel na hindi na kailangan pa ng sesyon at magpatawag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.ng isang special session para mag-convene ang senado bilang isang impeachment court.
Maliwanag aniya na ang salitang ‘forthwith’ ay maari nang simulan ng Senado ang paglilitis sa reklamo laban kay Duterte.
Umaasa si Pimentel na susuportahan siya ng mga kapwa senador ukol sa kanyang pananaw.
Kaugnay nito sinabi naman ni Senador Robin Padilla na handa siyang sumunod sa lahat ng utos at desisyon ni Escudero dahil bilang SP nila at abogado ay mas may alam siya sa batas.
Suportado ni Senadora Risa Hontiveros ang pananaw ni Pimentel na aniya ay dapat na magkaroon ng pananagutan sa batas ang mga taong nag-abuso sa pera ng bayan. (NINO ACLAN)