📷Executive Secretary Lucas Bersamin
‘ONE-MAN fake news factory” si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin.
Ang pahayag ni Bersamin ay bilang tugon sa akusasyon ni Duterte na patungo sa pagiging diktador si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Tiniyak ni Bersamin na ang administrasyong Marcos Jr. ay patuloy na iginagalang ang Konstitusyon at tumatalima sa “rule of law.”
Sinabi ni Bersamin na itinuturing ng Malakanyang ang mga walang basehan at katawa-tawang mga pahayag ng dating pangulo sa parehong paraan kung saan ang mga Pilipino ay binabalewala ang mga ito: isang mahabang kuwento mula sa isang taong madaling magsinungaling at mag-imbento ng mga panloloko.
Ang panloloko aniyang ito ay ay isa pang budol na umuusbong mula sa isang pabrika ng pekeng balita ng isang tao.
“We treat the former president’s baseless and ridiculous statements in the same way that Filipinos are dismissive of them: a tall tale from a man prone to lying and to inventing hoaxes,” wika ni Bersamin.
“This hoax is another budol emerging from a one-man fake-news factory,” dagdag niya.
Giit ni Bersamin, tulad ng palagiang ipinakitang mga aksyon ng Malakanyang, mananatili ito sa landas sa pagtataguyod ng Konstitusyon, sa pagsunod sa tuntunin ng batas, at sa paggalang sa mga karapatan ng mga mamamayan.
“As our actions have consistently demonstrated, we will stay the course in upholding the Constitution, in adhering to the rule of law, and in respecting the rights of the people,” aniya.
“Binigyan diin ni Bersamin na hindi aatrasan ng administrasyong Marcos Jr.ang mapang-aping paraan ng nakaraang administrasyon, kapag ang mga kritiko ay nakulong sa mga gawa-gawang kaso at kapag ang mga utos ng pagpatay ay inilabas sa publiko nang may galak at sinunod ng mga panatikong hindi nag-iisip.
“We will not backslide into the oppressive ways of the previous administration, when critics were jailed upon trumped-up charges and when kill orders were publicly issued with glee and obeyed blindly,” sabi ni Bersamin.
Ang pinuno ng magulong nakaraan aniya ang naglalarawan sa administrasyong Marcos Jr. na lumilihis patungo sa isang sistema kung saan ang sinuman ay maaaring bawian ng buhay, kalayaan, at ari-arian nang walang nararapat na proseso ng batas, ngunit isa namang malupit na pinuno na na hindi gumagalang sa mga karapatan ng mga mamamayan.
“It is the leader of that troubled past who is depicting us as veering toward a system where anyone can be deprived of life, liberty, and property without due process of law, as many had been on his mere say-so as a tyrant who did not respect the rights of the people,” pagtatapos ni Bersamin. (ROSE NOVENARIO)