Sat. Aug 8th, 2026

ni Nars Alyn Andamo, Koalisyong Makabayan senatorial candidate

 

Ang kasaysayan ng pagkilos ng taumbayan sa EDSA noong Pebrero 1986 ay kasaysayan ng paglaban sa mapang-api, mapang-abuso, at magnanakaw na naghaharing-uri. Atin nang pinatalsik ang diktador na si Marcos Sr. at ito ay patunay ng lakas ng sama-samang pagkilos at paniningil.

Hindi naiiba ang kasalukuyang kalagayan ng bayan kung saan patuloy na pinaghaharian ng kadiliman at kasamaan ang estado sa mukha ng mga Marcos at Duterte. Patuloy ang pagtaas ng presyo ng bilihin habang nananatiling maliit at kakarampot ang sahod ng mga manggagawa. Kasabay nito, kabi-kabila ang katiwalian ng mga pulitiko, unang-una na riyan ang pagwawaldas ni Sara Duterte ng kaban ng bayan.

Higit na mas malaki ang ating papel ngayon na kumilos para labanan ang kahirapan, korapsyon, kawalang pananagutan. Kinakailangang tayo ay kumilos para ating mawakasan ang krisis sa ekonomya at pulitika dala ng kapabayaan ng estado at pag-aabandona ng mga tungkulin nito sa taumbayan. #

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *