WALANG planong magpaawat si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pag-ugnay sa ilang partylist groups sa kilusang komunista o “red-tagging” kahit sinuspinde ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang programa niyang “Gikan sa Masa, Para sa Masa” sa SMNI.
Itinuloy niya sa programang Kontra Birada ng dati niyang Chief Presidential Legal Counsel na si Salvador Panelo sa DZRJ ang nakagawian niyang red-tagging at pagkuwestiyon sa peace talks ng administrasyong Marcos Jr.
Nagsimula ang walang habas na red-tagging ni Duterte nang isiwalat ni ACT Teachers Partulist Rep. France Castro na ginasta sa loob ng 11 araw ni Vice President Sara Duterte ang P125 milyong confidential funds noong 2022.
Umabot pa sa puntong pinagbantaan niyang papatayin si Castro gaya ng ginawa raw niyang pagpaslang sa mga komunista sa Davao City noong siya’y alkalde ng lungsod , gamit ang kanyang confidential funds.
“‘Yan nga ang napag-umpisahan dyan eh . Itong komunista kaya we have to be frank with each other, frank with the military, frank with the other branches of government , ano ba ito, bolahan ito o katotohanan ito? Are we infiltrated or are we not? Government must be frank enough to admit that we are infiltrated. And the military in not so many ways have already stated na infiltrated,” sabi ni Duterte.
“At yang mga political partylist are really communist front, and until and unless they deny that they are not communists, then maybe, I will have a problem. But you know, having been a president in the distant past, alam ng military, alam ko, alam ng lahat dito sa gobyerno noon, the police, in every command conference, in every review sa mga papers , andyan yung mga pangalan nila, komunista talaga sila in our records. Kaya lang they were able to clothe themselves with a parang immunity or at least appearing to be one legit, but they are really. Alam nila komunista sila, nasa record yan ng gobyerno lahat eh, sa military. Kaya kapag nagkaputukan ‘dyan eh, and we suffer, tayo are matter of defending our country at expressing our disgust , gusto ko naman talagang patayin ‘yan ah,” dagdag niya.
Isinabatas noong 1992 ang Republic Act 7637 na nagpawalang bisa sa Anti-Subversion Law kaya’t hindi na labag sa batas ang pagiging komunista o maging miyembro ng Communist party of the Philippines (CPP).
Malapit sa China, isang bansa na pinamumunuan ng partido komunista, sina Duterte at kanyang anak na si Vice President Sara Duterte kaya’t may mga kumukuwestiyon sa kanilang “pagkamuhi” sa mga komunismo.
Ipinagmalaki pa ni Duterte na kaya niya ibinasura ang peace talks sa kilusang komunista noong kanyang administrasyon ay matapos silang magmurahan ni CPP founding chairman Jose Ma. Sison sa hindi pagkakaunawaan sa ilang terminong nakasaad sa dokumentong isinumite ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Inamin ni Duterte na pinagbantaan niyang papatayin si Sison kapag umuwi sa Pilipinas.
“‘Yung peace talks was terminated by me during my time, if you remember the military , I am very sure they were listening to my talk with Sison anywhere, naka-live, may he rest in peace. It started with the usual greetings, kumusta ka, pamilya mo, then when we come to the review the papers that they submitted after they were invited to Malacanang, eh, nag-iiba na ‘yung interpretation nila. Sabi ko, why are you quoting a new definition of these words? I’m pretty sure that the dictionary in Norway is fundamentally the same with all dictionaries used in schools everywhere. Pagkatapos we ended up nagmurahan kami, pinutang ina ko siya, sumagot din siya ng putang ina mo, putang ina ka. Sabi ko’ wag ka umuwi sa Pilipinas, papatayin kita. That was the saga of the peace talks during my time. So it was terminated, sabi ko no peace talks anymore, ever,” aniya.
Ngayong binubuhay ni Marcos Jr. ang peace talks sa kilusang komunista, todo ang pag-alma rito ng mag-amang Duterte at nagbabala pa ang dating pangulo sa aniya’y pagtutol din ng militar at pulis.
Taliwas sa pahayag ni Duterte, parehong nagpahayag ng suporta sina Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. at Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa binuhay na peace talks ng gobyerno sa CPP-NPA-NDFP.
‘Yung peace talks was terminated by me during my time, if you remember the military , I am very sure they were listening to my talk with Sison anywhere, naka-live, may he rest in peace. It started with the usual greetings, kumusta ka, pamilya mo, then when we come to the review the papers that they submitted after they were invited to Malacanang, eh, nag-iiba na ‘yung interpretation nila. Sabi ko, why are you quoting a new definition of these words? I’m pretty sure that the dictionary in Norway is fundamentally the same with all dictionaries used in schools everywhere. Pagkatapos we ended up nagmurahan kami, pinutang ina ko siya, sumagot din siya ng putang ina mo, putang ina ka. Sabi ko’ wag ka umuwi sa Pilipinas, papatayin kita. That was the saga of the peace talks during my time. So it was terminated, sabi ko no peace talks anymore, ever. Apparently that exasperation, a caveat was only good for my term.
A new president has initiated another, sana wala na. There’s no sense in talking to those guys