Thu. Nov 21st, 2024

MADALAS na maranasan ng bansa ang malalakas na pag-ulan tuwing Disyembre at ilang Kapaskuhan na rin naramdaman ang kalamidad na dulot nito.

Noong isang taon, ay nagkaroon ng northeast moonsoon na nakaapekto sa pagkakaroon ng low-pressure system at ng southward migration sa Shearline,  daluyan ng hangin na nakaaapekto sa galaw nito na nagdudulot ng direksyon ng malakas na pag-hampas sa kalupaan.

Bumuhos ang malalakas na ulan sa parte ng Southern Luzon, Visayas at ang Caraga region noong Disyembre 22-28, 2022, kalaunan ay hinampas nang malalakas na ulan at dagundong nang kulog at talim ng kidlat ang Metro Manila at ang kalakhang parte ng Luzon.

Nagbabadya naman ngayon taon ang epekto ng tropical storm “kabayan” at nagdudulot nang mga malalakas ulan sa parte nang Visayas at Mindanao sa kasalukuyan mula pa noong ika 18 ng buwan.

Malalakas na alon ang nararanasan ngayon sa tabing dagat na parte ng Caraga, Davao Oriental at tumatakbo nang tinatayang 15 kilometro kada oras (km/hr).

Nakahanda sa ganitong kaganapan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at patuloy sila sa seminar at conferences na ibinababa sa barangay level, isa na rito ang General Trias City Community Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC).

Dinaluhan ng mga barangay officials ng General Trias City ang patawag ng CDRRMC para ma-update sa mga dapat gawin tuwing may mangyayaring natural calamity sa lugar.

Pinatukoy sa mga kalahok na barangay kung saan ang risk areas ng kanilang nasasakupan.

Binigyan  diin ng council ang halaga at estratehiya kung paano gagampanan ng barangay ang kanilang mga tungkulin ayon sa pangangailangan nito batay sa pag-iingat at paghahanda kung sakaling dumating ang delubyo.

Iginiit ng CDRRMC ang kahalagahan ng kaalaman kung paano maiiwasan at mabigyan ng tamang paraan ang assessment o pagtatasa upang matugunan ang mga pangangailangan sa ganitong sitwasyon.

Binigyan halaga rin ang tradisyonal na planning model para sa mga tamang diskarte  at tamang pamamahala para malaman ang problema, pag-implementa sa mga karampatang solusyon at mabilis na aksyon.

Ang ganitong pag-atake nang pamamahala ay nagbibigay hudyat at naaayon sa “static model at risk reduction” sa pagiging positibo, at naayon sa panahon.

Layunin ng NDRRMC na tulungan at ipamahagi ang kaalaman tungkol sa probisyon na nakapaloob sa Republic Act 10121, “provides a comprehensive, all-hazard, multi-sectoral, inter-agency, and community-based approach to disaster risk management through the formulation of the National Disaster Risk Management Framework”.

Ang batas na ito ay ibinabahagi sa mga nasasakupan para pagtibayin ang kaalaman tungkol sa pagtukoy ng  mapanganib na lugar, mga kahinaan nito, at paghahanda sakaling dumating ang mga sakuna gaya ng bagyo, lindol at iba pa.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *