Tila nadulas si senator-judge Panfilo “Ping” Lacson sa kanyang opinyon hinggil sa naging P112.5 milyong confidential fund ng Department of Education noong si Vice President Sara Duterte ang kalihim ng kagawaran
Inusisa si Lacson sa programang Usapang Senado sa DWIZ kung ang mga naganap na mararahas na insidente sa mga paaralan ay maaring magbigay katwiran sa naging DepEd confidential funds ni VP Sara ngunit naging maingat ang tugon ng senador.
“Hindi naman kasi wala naman silang law enforcement function eh. Confidential fund para saan?” sabi ni Lacson.
Tumanggi siyang palawigin ang paninindigan sa isyu dahil isa siya sa mga hahatol sa impeachment trial laban kay VP Sara kaya’t hindi niya maaaring talakayin ang merito ng kaso.
Bukas naman aniya sa publiko ang paglilitis kaya’t maaaring ianalisa ito pati ng media.# (RRN)