Pormal na inanunsyo ni Sen. Francis “Chiz” Escudero, presiding officer ng impeachment trial, ang iskedyul ng mga pagdinig na iaayon sa deliberasyon ng Senado para sa pambansang badyet.
Ayon kay Escudero, bukas ay magtitipon ang hukuman sa Recto Room, alas‑10 ng umaga, para sa marking ng ebidensya. Inilahad din niya ang kalendaryo ng mga susunod na pagdinig:
– Set. 8–30 – Pagdinig mula 10:00 AM hanggang 2:30 PM, kasunod ang regular na sesyon ng Senado para sa Committee on Finance.
– Set. 30 – Buong araw na trial.
– Okt. 1–15 – Sunod‑sunod na buong araw na pagdinig.
– Okt. 16–Nob. 8 – Suspensyon ng trial para bigyang‑daan ang deliberasyon at paghahanda ng bersyon ng Senado sa badyet.
– Nob. 9–18 – Pagdinig sa badyet sa plenaryo. Posibleng “isiksik” ang isang trial date, ngunit malamang na manatiling suspendido hanggang Nob. 18.
Tiniyak ni Escudero na ilalagay ang iskedyul sa opisyal na journal at bibigyan ng kopya ang mga partido. # (RRN)