Sat. Nov 23rd, 2024
US-based entrepreneur Arlene Stone

UMALMA ang isang umano’y naging biktima ng pang-aabuso ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy na si US-based entrepreneur Arlene Stone sa tila pagdepensa ni Sen. Francis Tolentino sa puganteng sect leader.

“Ang sa akin dito,  siguro igalang yung  karapatan ni pastor kung pwede syang  mag file ng… bailable kasi to e. So magpyansa, mag-file  ng  bail  at gamitin niya, eexercise niya yung karapatan niya,” sabi ni Tolentino kahapon.

Inihayag ni Stone ang labis na pagkadismaya kay Tolentino sa kanyang Arlene Rocks vlog dahil sa tila pag-aabogado ng nito kay Quiboloy gayong isa itong senador na dapat ay nangunguna sa pangangalaga ng kanyang institusyon na binastos ng sect leader at dapat ay nagbibigay proteksyon sa pamilyang Pilipino.

Si Quiboloy ay pinaghahanap ng mga awtoridad matapos ilabas ng Davao City Regional  Trial Court Branch 12 ang arrest warrant laban sa kanya sa paglabag sa Republic Act 7610 o ang Anti-Child Abuse Law.

May arrest warrant din laban sa kanya na inisyu ang Senado para sa contempt bunsod ng hindi pagdalo sa mga pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.

Si Tolentino ay kapartido ng mga Duterte sa PDP-Laban at isang re-electionist sa 2025 midterm elections. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *