Tue. Dec 3rd, 2024

📷American vlogger Elliot Eastman

 

WALA pang indikasyon na buhay pa ang kinidnap na American vlogger na si Elliot Eastman, ayon kay PRO-9 spokesperson Police Colonel Helen Galvez

“Ongoing pa po yung tracking efforts na ginagawa and investigation ,” sabi ni Galvez sa panayam sa Dobol B TV.

“Wala pa po tayong proof of life atsaka wala pang contact from the abductors. Both dito sa Philippines at saka sa US, wala pang natatanggap na ganung communication,” dagdag niya.

Maliban sa lokal na pulisya, nagsasagawa na rin ng imbestigasyon sa pagdukot kay Eastman ang US Federal Bureau of investigation (FBI).

Binisita ng FBI agents ang misis ni Eastman at iniulat sa Philippine National Police (PNP) na wala pang natatanggap na ransom demand ang pamilya niya sa US.

Dinukot ng apat na lalaki si Eastman noong Oktubre 17 mula sa bahay ng kanyang biyenan sa Sibuco, Zamboanga del Norte.

Nanlaban umano si Eastman kaya’t binaril siya sa hita ng kidnaper at isinakay sa bangka na naglayag sa karagatan.

Bago ang insidente, nabanggit ni Eastman na hindi siya gusto ng mga tao sa lugar, gustong many mangyaring masama sa kanya at inimpormahan ang kanyang pamilya hinggil sa mga bantang kidnapin siya.

Kasal si Eastman sa isang Pinay at limang buwan na siyang nakatira sa Pilipinas. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *