Sat. Aug 8th, 2026

📷IMPACT Leadership | FB

 

Nakapagtapos ng kanyang degree sa Bachelor of Science in Business Administration si  Sen. Cynthia Villar sa University of the Philippines at ang kanyang Masters in Business Administration ay sa New York University.

Noong 2001, naging kinatawan ng Las Piñas sa House of Representatives at nakompleto niya ang tatlong termino o siyam na taong serbisyo hanggang 2010.

Nanalo siya bilang bilang senador noong 2013 midterm elections at sinuportahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kandidatura noong 2019 midterm elections para sa ikalawang termino sa Senado na matatapos ang termino hanggang 30 Hunyo 2025.

Kahit mahigit dalawang dekada siyang naging mambabatas, marami ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Sen. Cynthia ang mga artikulo at seksyon na nakasaad sa ilalim ng 1987 Philippine Constitution lalo na ang patungkol sa political dynasty.

Sinabi sa Article II Section 26: “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.”

Ayon sa Philippine Institute for Development Studies, “placing limits on political dynasties aims “to regulate self-serving and opportunistic behavior and to promote effective and accountable governance.”

trending na naman si Sen. Cynthia sa nakalipas na mga araw makaraang ipagyabang na hindi raw masama ang political dynasty tulad ng pamilya nila kung ito ay nakakatulong para pagsilbihan ang mga tao.

“Masama ‘yung “dynasty na niloloko ang mga tao, ‘di ba?” paliwanag niya. Ang pamilya raw nila ang isang halimbawa ng good political dynasty, giit ng senadora.

Wala naman nakalagay na kategorya sa Konstitusyon na good or bad political dynasty, hindi ba alam ito ng senadora na 21 years ng nasa pwesto bilang mambabatas?

“Political dynasty is political dynasty, always dangerous and never decent.”

Kailan pa naging ‘good’ dynasty ang pagiging matapobre, mahilig magmura, laging naninigaw, nananabunot at nag-a-amok sa loob ng simbahan ang isang politiko?

Agad din sinalungat ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel ang mga rason ni Sen. Cynthia at sinabing, “Di nagbasa ng Konstitusyon! Ang sabi dun, bawal ang political dynasty. Di sinabing bigyan muna ng chance ang mga dynasty na patunayan kung mabuti sila o hindi. Sakit sa ulo!”

Sinopalpal din ng batikang labor leader at senatorial candidate Ka Leody de Guzman si Sen. Cynthia: “Ang problema sa mga mambabatas, gaya ni Cynthia Villar, tiningnan ang butas para makalusot sa teknikalidad. Gayong malinaw ang intensyon ng batas. Sabi madalas ng mga labor lawyers na nakasama namin sa mga unyon mula pa noong 1980s, “the spirit of the law is not confined by its letters”.

Paliwanang ni De Guzman, kahit walang “enabling law”, kung hindi makapal ang mukha at matigas ang apog, dapat inaawat ng mga pulitiko ang pagtakbo ng kanilang mga kamag-anak. Ang tawag duon ay hindi lang sentido komon kundi DELICADEZA.

“Dinastiya Wakasan! Tunay na boses at representasyon ng mayoryang masa, hindi ng elitistang minorya!” dagdag niya.

Inihayag din ng isa pang senatorial candidate at labor lawyer na si Atty. Luke Espiritu ang kasamaan ng political dynasty “sa dynasties na ‘yan, diyan nagiging source ng corruption, electoral fraud, patayan doon sa mga local areas.”

Binigyang-diin ni Espiritu ang pangangailangan para sa isang anti-political dynasty law dahil mahalaga aniya ito para sa “country’s political survival.”

Sa tagal na nakaluklok bilang congresswoman ng Las Piñas at senador ng bansa sa mahabang panahon si Sen. Cynthi, tila hindi niya alam ang nilalaman ng Konstitusyon, gusto pang bumalik ngayon muli bilang kinatawan ng lungsod.

Sabi nga ng matitinong taga-Las Pinas, panahon na upang mag isip-isip at bumoto ng iba namang kandidato ngayong May 12 midterm elections ang residente ng lungsod. Bigyan naman ng pagkakataon ang may alam sa kaibuturan ng Saligang Batas.

Kung hindi alam ng lady senator ang nakasaad sa Konstitusyon, tiyak na hindi rin niya kabisado ang PREAMBLE, Panatang Makabayan at baka pati ang Lupang Hinirang. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *