Sat. Aug 8th, 2026

SUNOD na aarestohin si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ng Interpol bunsod nang ilalabas na arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) bilang co-accused ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity bunsod ng patayan na nangyari sa ipinatupad nilang madugong drug war.

“Kung babasahin mo ang warrant of arrest, may mga indications na may iba pa maliban kay Pangulong Duterte. Kasi ang description na binibigay doon kay Pangulong Duterte indirect co-perpetrator,” Atty. Joel Butuyan sa panayam sa DZBB.

Si Butuyan at nasa List of Counsel ng ICC bilang isa sa mga abogado ng mga pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings sa Duterte drug war.

“So, kung co-perpetrator siya, meron siyang ibang ka-perpetrator. So, umaasa tayo na ito ay simula pa lang at meron pang iba kagaya ni Senator Bato dela Rosa na maaaring mahahainan ng warrant of arrest sa mga susunod na araw,” dagdag ni Butuyan.

Si Dela Rosa ang unang hepe ng Philippine National Police (PNP) noong rehimeng Duterte.

Ayon kay Butuyan, maraming testigong Pinoy ang inaasahang magpupunta sa ICC upang tumayong saksi sa paglilitis sa kaso laban kay Duterte.

Patungo na sa The Hague, Netherlands ang chartered plane na lulan si Duterte para iharap sa ICC matapos siyang arestohin ng Interpol sa NAIA Terminal 3 kahapon ng umaga. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *