Sun. Oct 6th, 2024
Xian Lim at Kim Chiu

WALONG buwan na palang hiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim, ayon sa veteran showbiz talk show host Cristy Fermin.

Sa kanyang programang Cristy Ferminute, sinabi niya na mga malalapit sa dating mag-nobyo ang nagkompirma na mahigit kalahating taon nang tuldukan ang 12-relasyong KimXi.

“Marami na ang nakakaalam. Marami na ang nakakapansin. Nahuli lang ang pag-amin,” sabi ni Cristy.

Parang sinunod daw ng dalawa ang pattern sa pag-amin ng KathNiel, una si Kathryn Bernardo at matapos ang ilang minute ay si Daniel Padilla naman.

Marami raw sa kampo ni Kim ang hindi boto kay Xian dahil parang si Kim lang ang mahal ni Xian at wala siyang pakialam sa mga taong nasa paligid ng aktres.

“Kaya nga tuwang-tuwa ang pamilya ni Kim Chiu at pagkatapus na pagkatapos ng 12 taon, hindi ba hindi nakakasama si Kim ng kanyang pamilya at pagkatapos ng mahabang panahon ay nagkasama na sila. Nag-Balesin ang buong pamilya ngayon,” kuwento ni Cristy.

Isa pa aniyang dahilan ay ang kawalan ng plano ni Xian sa kanilang relasyon at nang deretsahan daw tanungin ni Kim si Xian kung ano ang plano ay sinagot daw siya ng actor na wala pa siyang planong lumagay sa tahimik at prayoridad pa niya ang kanyang career.

“Aba’y kahit walang poste ay mauuntog nga itong si Kim Chiu,” sabi pa ng veteran talk show host.

“Hindi naman sapat na ikaw lang ang nagmamahal. Dapat minamahal ka rin. Reciprocal ang pagmamahalan. Kung anoman ang ibinibigay mo, hindi man maibigay lahat nang ibinibigay mo sa lalaki, ramdam mo man lang sana na pinahahalagahan ka rin at minamahal. Kaso hindi eh. Puro ‘yung babae ang nagbibigay. Puro ‘yung babae ang umiintindi. Puro ang babae ang sige lang, sige lang,” lahad niya.

Kaya marahil umabot aniya ng mahigit kalahating taon bago inamin ang hiwalayan ay baka umasa pa na magbago ang ugali ng lalaki. (ZIA LUNA)

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *