Sat. Aug 8th, 2026

NADAGDAGAN ng 25 kongresista ang pumirma sa mga pumabor sa 4th impeachment complaint.

Ayon sa kalatas ng Kamara, kinompirma ni House Secretary General Reginald Velasco na kaya hindi nakalagda ang 25 mambabatas ay sa dahilang wala sila sa Mababang Kapulungan noong Miyerkoles pero nagsumite na sila ngayon ng verification forms para maidagdag bilang complainants.

“The Senate has not yet convened so it will be up to them on what to do with these 25 members of the House of Representatives who have sent to us their verification,” ani Velasco.

Kapag naisama na ang kanilang mga pangalan sa articles of impeachment, aabot ang bilang ng complainants sa 240, o walo sa bawat sampung mambabatas sa Kamara na binubuo ng 306 kongresista.

Ang mga nagsumite ng verification forms, ayon sa Kamara ay sina:

Abono Rep. Robert Raymund Estrella

ACT-CIS Rep. Edvic Yap

Ako Bicol Rep. Zaldy Co

Ako Bisaya Rep. Sonny Lagon

Ako Ilocano Ako (AIA) Rep. Richelle Singson

Biñan Rep. Marlyn “Len” Alonte (Lakas-CMD)

Cagayan Rep. Ramon Nolasco Jr. (Lakas-CMD)

Cavite Rep. Adrian Jay Advincula (National Unity Party)

GP Rep. Jose Gay Padiernos

Isabela Rep. Tonypet Albano (Lakas-CMD)

Kabayan Rep. Ron Salo

Lanao del Norte Rep. Mohamad Khalid Dimaporo (Lakas-CMD)

Leyte Rep. Carl Nicolas Cari (Lakas-CMD)

Masbate Rep. Richard Kho (Lakas-CMD)

Masbate Rep. Olga “Ara” Kho (Lakas-CMD)

Masbate Rep. Wilton Kho (Lakas-CMD)

Negros Occidental Rep. Emilio Bernardino Yulo (Lakas-CMD)

Oriental Mindoro Rep. Alfonso Umali Jr. (Liberal Party)

Pangasinan Rep. Ramon Guico Jr. (Lakas-CMD)

Pangasinan Rep. Arthur Celeste (Nacionalista Party)

Quirino Rep. Midy Cua (Lakas-CMD)

Sagip Rep. Caroline Tanchay

Sultan Kudarat Rep. Princess Rihan Sakaluran (Lakas-CMD)

Tarlac Rep. Noel “Bong” Rivera (Nationalist People’s Coalition)

Tarlac Rep. Christian Tell Yap (Sama-Sama Tarlac)

Kaugnay nito, nanindigan si Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers na walang ibinigay sa mga mambabatas kapalit ng pagpirma sa impeachment complaint laban kay Duterte.

“Nagkaroon po ng consultation ng mga political parties. Sila po ay nabigyan ng kopya itong complaint na ito, pinag-aralan, pinag-inanalyze po nila. At pumirma po ang ibang mga miyembro na sumang-ayon po dito. At wala hong kapalit dito,” sabi ni Barbers sa isang press conference.

“Kailangan magkaroon din tayo ng paninindigan na magkaroon ng hustisya sa both sides — hustisya maaari sa ating mga nag-aakusa at hustisya rin po sa mga inaakusahan. Wala pong lalabas na katotohanan kung di tayo dadaan sa isang pruseso na nakasaad din po sa ating Saligang Batas.”

Si Duterte ang unang bise president ng Pilipinas na na-impeach. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *