Sat. Aug 8th, 2026

MARIING kinondena nina House Deputy Minority Leader France Castro at dating ACT Teachers Representative Antonio Tinio ang diskriminasyon at insensitive na pananalita ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa laban kay Akbayan Representative Percival Cendaña, isang stroke survivor.

Kumalat sa social media ang komentaryo ni Dela Rosa na susuntukin ang ngiwing mukha ni Cendana nang umalma tungkol sa pahayag ni impeached Vice President Sara Duterte na inihalintulad ang pakikipaghiwalay sa karelasyon sa  pag-impeach sa kanya ng Kamara.

Ayon kay Castro, ang mga pahayag ni Dela Rosa laban kay Cendana ay hindi lamang malupit kundi sumasalamin sa uri ng toxic politics na kinakatawan ng mga Duterte,

“Walang lugar ang ganyang pambabastos sa political discourse na dapat naka-focus sa issues. Senator dela Rosa’s remarks are not only cruel but reflect the kind of toxic politics that the Dutertes represented,” sabi ni Castro.

Binigyang-diin ni dating Tinio na ang ugali ni Dela Rosa ay hindi nararapat sa isang senador. “Bato should stick to the issues at hand. Masyadong below the belt ang ginawa niya at hindi asal ng isang senador. Sabagay, hindi rin naman asal ng maayos na bise presidente at presidente ang pinagtatanggol niya.”

“Is this how desperate the Duterte camp has become? Masyado na bang nahihirapan si Senator dela Rosa na ipagtanggol ang mga Duterte kaya ganyan na lang kababaw ang estilo niya para ilihis ang isyu?” tanong ni Tinio.

Ipinunto ni Castro na ang ganitong pag-uugali nina VP Sara at  Dela Rosa ay nagpapakita ng kanilang kawalan ng paggalang sa mga demokratikong institusyon at tamang diskurso. “Sa halip na tugunan ang mga seryosong alegasyon sa impeachment complaint, ginagawa nilang trivializing ang proseso at personal na umaatake sa mga kritiko.”

“We call on Senator dela Rosa to apologize to Rep. Cendaña and to all persons with health conditions who were hurt by his discriminatory remarks. Public servants should elevate political discourse, not debase it with cruel personal attacks,” pagtatapos ni Castro.#

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *